Wednesday, October 12, 2011

MAIKLING ALAMAT

“SAMPAGITA

Noon, lahat ng halaman ay may pinagmamalaking kayamanan tulad ng masarap ng bunga o bulaklak na marikit, mabango at may kakaibang ganda. Maliban sa isa. Ang Sampagita ay parating naging tampulang ng katatawanan sa hardin. Parati siyang inaapi ng mga kasamang halaman. 
Madalas na pagmamayabang ng Santan, "Ano ang iyong silbi? Salat ka na sa ganda, wala pang bulaklak na ipagmamalaki. Hindi tulad ko na biniyayaan ng makukulay na bulaklak. Ako'y nakakawili." Kutya naman ng rosas, "Oo nga, pangit ka na, wala pang bangong kahali-halina. Amuyin mo ko, ang sarap ng samyo, ang tamis, ang bango. Mahalaga ako sa mga tao sapagkat ako ang parating inaalay sa kanilang mga Santo." "Ako rin," gatong pa ni Rosas. "Di ba't sadyang ako'y napakaganda? Ang mga bulaklak ko, pula, puti man o dilaw, sikat na panregalo sa mga dalaga. E ikaw para saan ka? Hindi ka dapat sa amin sumasama." Tawanan ang mga magandang mga halaman. Araw-araw, ganito ang kanilang usapan. Isang araw, hindi na makapagtimpi ang kawawang Sampagita. Nagtangis, nakiusap, nagmakaawa sa mabait na Bathala. "Panginoon, bakit naman ganoon? Ano nga ba ang silbi ko? Ako'y abang halaman lamang." Narinig ng Bathala ang wangis ng naaping Sampagita. Awang-awang nagwika, "Iha, tumigil ka na sa pag-iyak, bibiyayaan kita bulaklak na kaiingitan nila." Dumakot siya ng mga bituin sa langit at saka ito dinurog. Bawat isa nito ay kanyang hinalikan bago isinaboy sa humihikbing Sampagita. Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang napakatamis ng samyo. Ang kanyang mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita at pang-alay sa mga Santa. Nahigitan ng Sampagita ang lahat ng nngungutyang halaman. Siya pa ang tinanghal na pambansang bulaklak ng bayang sinisinta… 


No comments:

Post a Comment