Wednesday, October 12, 2011

(#06 TULA)

“NAGTATAGONG PUSO”
NI: ROSE ANN MIGUEL

SA PUSO KO’Y ISA LANG ANG SINISINTA
NA AKING MAMAHALI’T AALAGAAN
PAGNALAMAN KO NA SA KANYA’Y MAY LUMOKO
BUHAY KO’Y ITATAYA MAIPAGTANGOL LAMANG SIYA

ANG NADARAMA KONG ITO AY SADYANG TOTOO AT WAGAS
KAPAG ANG ISANG TULAD KO’Y UMIBIG TOTOO AT TAPAT
MAIBIBIGAY KO ANG LAHAT PATI NA ANG ARI-ARIAN NA MERON AKO
SABI NGA NILA HAHAMAKIN LAHAT MAPATUNAYAN LNG TOTOO ITO

SANAY NADARAMA NYA ITONG AKING PAGSINTA SA KANYA
SAPAGKAT NOON PA MAY SIYA’Y INIIBIG KONG TUNAY
DUMANGTING MAN ANG PANAHON NA AKO’Y KANYANG MAKALIMUTAN
TANGING PABAON KO PAG-IBIG KONG TUNAY…

MAIKLING ALAMAT

“SAMPAGITA

Noon, lahat ng halaman ay may pinagmamalaking kayamanan tulad ng masarap ng bunga o bulaklak na marikit, mabango at may kakaibang ganda. Maliban sa isa. Ang Sampagita ay parating naging tampulang ng katatawanan sa hardin. Parati siyang inaapi ng mga kasamang halaman. 
Madalas na pagmamayabang ng Santan, "Ano ang iyong silbi? Salat ka na sa ganda, wala pang bulaklak na ipagmamalaki. Hindi tulad ko na biniyayaan ng makukulay na bulaklak. Ako'y nakakawili." Kutya naman ng rosas, "Oo nga, pangit ka na, wala pang bangong kahali-halina. Amuyin mo ko, ang sarap ng samyo, ang tamis, ang bango. Mahalaga ako sa mga tao sapagkat ako ang parating inaalay sa kanilang mga Santo." "Ako rin," gatong pa ni Rosas. "Di ba't sadyang ako'y napakaganda? Ang mga bulaklak ko, pula, puti man o dilaw, sikat na panregalo sa mga dalaga. E ikaw para saan ka? Hindi ka dapat sa amin sumasama." Tawanan ang mga magandang mga halaman. Araw-araw, ganito ang kanilang usapan. Isang araw, hindi na makapagtimpi ang kawawang Sampagita. Nagtangis, nakiusap, nagmakaawa sa mabait na Bathala. "Panginoon, bakit naman ganoon? Ano nga ba ang silbi ko? Ako'y abang halaman lamang." Narinig ng Bathala ang wangis ng naaping Sampagita. Awang-awang nagwika, "Iha, tumigil ka na sa pag-iyak, bibiyayaan kita bulaklak na kaiingitan nila." Dumakot siya ng mga bituin sa langit at saka ito dinurog. Bawat isa nito ay kanyang hinalikan bago isinaboy sa humihikbing Sampagita. Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang napakatamis ng samyo. Ang kanyang mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita at pang-alay sa mga Santa. Nahigitan ng Sampagita ang lahat ng nngungutyang halaman. Siya pa ang tinanghal na pambansang bulaklak ng bayang sinisinta… 


talambuhay ko ;)

Ako si Rose ann B. Miguel ipinanganak noong Hulyo 31 taong 1993 nakatira ako sa barangay ng caingin lungsod ng Malolos lalawigan nga Bulacan anak nina Gn.Edgar Miguel at Gng. Ruby Rosa Miguel panganay ako sa apat na magkakapatid tatlo kaming babae at bunso ang isang lalaki nag-aral ako ng elementary sa Caingin Elementary School at nagtapos noong 2004 nag-aral ako ng Secondary sa mataas na paaralang Marcelo H. Del pilar National Highschool nagtapos ako noong 2009 at sa kasalukuyan nagaaral ako sa Bulacan State University sa kursong Bachelor of Industrial Technology Major in Computer Technology nasa ikatlong antas na ako sa kolehiyo. Marami na akong napagdaanan sa buhay na alam ko magiging aral sa akin at sa mga taong nakakaalam kung sino talaga si ROSE ANN BALUYOT MIGUEL hindi pa ito ang kabuuang kwento nga king buhay dahil naniniwala ako na pag nakatapos ako ng pag aaral doon ko pa lamang maaring simulan ang isang mhabang kwento ng aking buhay….(ann)

"#02 tula"

SULIT SANA”
NI: ROSE ANN MIGUEL

Binasa kong paulit-ulit ang tula ko.
Sa tingin ko nama'y maayos kahit papaano.
Pagkalipas ng mahigit limang minuto,
kinabog ko na ang computer ko sabay type

isinama ko sa hanay ng magagaling na makata
ang tula kong pipitsugin.
Sa akin narin para makita kung magugustuhan
ba ng babasa ang tula ko o ibabasurang parang kaning lamig.

Naghintay akong may bumasa't magkumento
sa gawa ko habang sinasamantala ang tsokolateng uwi ng tito ko.
Naubusan na ko ng isip para gumawa ng tula
huli na ito ubos na utak ko…

"maikling kwento"

“SA DULO NG KAKAHOYAN”
NI: ROSE ANN MIGUEL

Nung unang panahon s bayan ng pute-pute ang pamumuhay ng mga tao ay simple lamang kumpara sa panahon ngayon.Ang mga kababaihan ayang siyang tumatao sa bahay upang gawin ang mga gawaing pambahay. Ang mga kalalakihan naman ang siyang nagtratrabaho, ang iba ay sa bukid nagsasaka ang iba naman ay sa kakahoyan nangangaso para sa kanilang pamumuhay.
          At sa bayan na iyon may dalawang magkaibigan sina opek at tetek na pawing bata pa lamang ay nangangarap na balanga araw ay maging isang sikat na mga imbentor.ngunit hindi sila nag-aaral dala na rin ng kahirapan ng buha, pero hindi ito naging hadlang upang makagawa sila ng mga bagay na pakipakinabang para sa lahat. Sa umaga tumutulong ang dalawa sa kanilang ama upang magsaka sa bukidat pagdating ng hapon pumupunta sila sa ginawa nila na maliit na bahay bahayan sa itaas ng puno ng manga sa may kakahoyan. Ditto nila ginagawa ang mga bagay iniimbento ng magkaibigan.si opek ang kwela sa dalawa samantalang si tetek ang medyo may pagkaseryoso.lubos na hinahangaan ang dalawa sa kanilang lugar sapagkat sa angkin nilang talino kahit hindi sila nag-aaal tulad ng inbang mga bata sa kanilng lugar.martes ng hapon naglalakad ang magkaibigan patungo sa kakahoyan upang kumuha ng mga pangatong ng bigla silang may narinig na dagundong DOGDOGDUG!!!!!  Opek narinig mo ba iyon mukang may isang bagay na sumabog at bumagsak sa dulo ng kakahoyan ang wika ni tetek kay opek oo tetek nadinig ko din iyon halika puntahan natin.. pinuntahan ng dalawa ang dulo ng kakahoyan at tumambad sa kanila ang isang magarang sasakyan na dun pa lamang nila nasilayan sa tanang buhay nila. Tetek halika lapitan natinwika ni opek  sige tignan natin kung anu ang laman ng magarang sasakyan na iyon.. doon nakita nila ang isang salamin nanaglalabas ng mga letra at numero opek sa palagay mo anu itong bagay na ito??? Tanung ni tetek kay opek dI ko din alam tetek halika dalhin natin sa kubo ng masuri natin… lumipas ang dalawang buwan inaral at inusisa ng magkaibigan ang bagay na natuklasan nila hanggang sa natutunan nila gamitin ito ipinakita nila ito sa kanilang ,ga kabaryo at naging kapakipakinabang ito lalo na sa mga kabataan dahil naging isang sikat na libangan ito sa lahat.lumipas pa ang tatlong buwan at pinagalanan nila itong computer at naging sikat sa lahat hanggang sa kasalukuyan.. ipinangalan ito sa dalawang matalinong bata na sina opek at tetek…

"#03 tula"

“KABAGANG”
NI: ROSE ANN MIGUEL

ang aking kaibigan 
ay palabiro at mahilig sa kainan
meron Siyang maamong muka
at magaling itong magluto sa kanilang tahanan 

siya ang aking karamay 
kong may problema sa buhay 
pagmamahal niya ang nagbibigay inspirasyon sa akin 
pagmamahal niya’y dama kong tunay

sa paaralan siya ang aking kakampi 
laban sa aki’y nang-aapi 
kaya hindi ako natatakot pag siya’y nasa tabi 
yan ang aking kaibigan katawanan at kabagang

Sunday, October 9, 2011

"#05 tula"

“YABANG PHOTOSHOP”
NI: ROSE ANN MIGUEL

Sa panahon ngayon marami ng tao ang gumaganda.
Imahe ay sadyang kahanga hanga babaeng maitim
 Sa photoshop pumuputi lalaking madungis
Sa litratong edit sa photoshop ay kumikinis.

“Photoshop” eto kasagutan sa mga taong
 Hirap mag aplay ng trabaho imahe sa larawan
Ineedit photoshop ang gamit
Upang ibang tao mapahanga itsura ay gaganda.

Ako si photoshop iniinstall sa loptop o sa p.c
 Upang magamit sa maraing bagay
 Pagpapaganda o pagpapangit
Kaya’t ako’y aralin upang kahit ikaw ay makinabang. 

"#01 tula"

“Aral sa computer”
                                                     Ni: ROSE ANN MIGUEL

Kaibigan halina’t ating pag aralan
makabagong teknolohiya  upang kaalaman
natin ay mahasa.Sa makabagong panahon
pag-aaral ng bawat kabataan ay pinadadali.

 Sa computer na nilikha ng tao upang  
                                                   maging kapakipakinabang.Si juan si pedro
                                                       At si Andres kabataan adik sa dota
Si celia si maria at si anita adik sa facebook

       Kung may positibong natutulong ang computer
                                           Ay tiyak na may negatibo dinSa usong libangan
                                            ngayon nawa’y computer na nilikhaPara sa kaalaman
                                huwag sanang maging dahilan para pag-aarakl ng ilan ay masira.

"#04 tula"


“Pindot”
Ni: rose Ann Miguel

Pindot! Pindot!  isa sa mga kailangan gawin
Upang computer keyboard ay mapagana.
Daliri sa mga kamay katuwang sa  pagpindot.
Malaking pasasalamat ko sa aking mga daliri.

Sapagkat dahil dito natuto ako pumindot.
Ako si hinlalaki nakaatas na tungkulin espasyo sa keyboard
Apat kong kasama sila ang bahala sa letrang iba pa.
Laking pakinabang ng aking mga daliri .

Sa pagpindot sa keyboard ako’y nakakapag facebook.
Salamat sa lumikha ng keyboard
Sapagkat ako’y nahasa sa pagpindot.
                                                                             Pindot!  Pindot!  Pindot!